Press Releases

You are visitor #

2071871
TodayToday373
This_WeekThis_Week1025
This_MonthThis_Month14632
All_DaysAll_Days2071871

PQA, iginawad ni Pres. Duterte sa Tanauan City

By CIO Tanauan/LACV October 25, 2018

pqa

Tinanggap ni Acting City Mayor Benedicto C. Corona ang plake ng Philippine Quality Award na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa TanauanCity sa isinagawang 2015-2017 PQA Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang noong Oktubre 24, 2018. Makikita rin sa larawan ang mga bumubuo ng delegasyon ng lungsod na sina Acting Vice Mayor Eric Manglo, Kon. Joseph Castillo, Kon. Jun Goguanco, Sangguniang Kabataan Federation President John Kennedy Macalindong, Kon. Angel Atienza at Kon. Lim Tabing kasama sina Ms. Jacq Landicho, OIC-HRMDO, City Accountant Ms. Gina Juntilla, Budget Officer Ms. Taciana Siongco, City Assessor Liza Gonzales, SP Secretariat Ms. Regina Aala-Ocampo at City Cooperative Officer Ms. May Fidelino. (Photo Courtesy: (KALIWA) Presidential Communications (Government of the Philippines)’s Facebook Page / Screenshot; (KANAN) Jun Mojares)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod, sa
pangunguna ni Acting City Mayor Benedicto C. Corona bilang kinatawan ni Mayor Jhoanna
Corona-Villamor, Acting Vice Mayor Eric Manglo, ilang miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at ibang department heads, ang plake ng prestihiyosong Philippine Quality
Award o PQA, na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isinagawang 2015-2017
PQA Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang noong Oktubre 24, 2018.
Ang PQA ay ang pinakamataas na antas ng pagkilala na ibinibigay ng pamahalaan para sa
mga natatanging pribado o pampumblikong tanggapan na nakapagpamalas ng kahusayan
sa larangan ng “Total Quality Management.”
Taong 1997 nang maitatag ang PQA sa pamamagitan ng Executive Order No. 448 ni Dating
Pangulo Fidel V. Ramos. Ang pagkakaloob ng karangalang ito ay pinangangasiwaan ng
Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ang pagbibigay ng halaga sa kalidad ng
serbisyo o pagganap sa katungkulan ng mga organisasyon ay naisabatas sa pamamagitan ng

Republic Act No. 9013 o mas kilala bilang “Philippine Quality Award Act of 2001”. Ang
Tanauan City ang ikatlong local government unit (LGU) pa lamang na nakasungkit ng
karangalang ito at ang natatanging LGU na napabilang sa “18 th to 20 th Cycles PQA recipients”.
Ang mga lokal na pamahalaan na nauna nang nagawaran ng nasabing parangal ay ang mga
lungsod ng Marikina (1998 at 1999) at Makati (2000).
Kabilang pa sa mga dumalo sa “conferment ceremony” sina Liga ng mga Barangay (LnB)
President Kristina Gayanilo-Fajardo, City Planning Development Officer Ms. Aissa Malabuyo-
Leyesa, City Treasurer Fernando Manzanero at City Veterinarian Dr. Aries Garcia.(CIO
Tanauan/LACV) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph