Press Releases

You are visitor #

2048244
TodayToday843
This_WeekThis_Week2143
This_MonthThis_Month25009
All_DaysAll_Days2048244

Mga atletang Tanaueño, nagpakitang gilas sa 2018 Batang Pinoy

National Finals

CIO Tanauan/LACV (September 27, 2018)

batangp

Ang mga manlalarong Tanaueño na nakasungkit ng gintong medalya sa larangan ng
softball, swimming at futsal sa ginanap na 2018 Batang Pinoy National Finals noong
Setyembre 15-21, 2018 sa Baguio City. (Photo Courtesy: Roderick Lanting)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas –Muli na namang pinatunayan ng mga manlalarong
Tanaueño ang kanilang angking galing at husay sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan sa
nakalipas na 2018 Batang Pinoy National Finals na ginanap noong Setyembre 15-21, 2018 sa
Baguio City.
Nag-uwi ng walong (8) medalya (3 gold, 3 silver, 2 bronze) ang buong delegasyon ng lungsod
para sa taunang kumpetisyon na ito.
Kasama ang kanilang coaches na sina Coach Ramil Mercado, Coach Joselito Villanueva,
Coach Jerrylfin M. Geroche, Coach Teddy Pol Landicho, Coach Luisito Mercado at Coach
Terence Vispo, patuloy na namayagpag ang koponan ng Tanauan sa larangan ng softball at
baseball matapos nitong masungkit ang kampeonato sa kategoryang Softball Girls (15-
under) at 1 st Runner-up sa Baseball Boys (15-under).
Sa paggabay ni Coach Jhon Romar Buenacedda, hinakot ni Ethan Roy R. Go ang mga
medalya sa larangan ng swimming matapos niyang magwagi ng gintong medalya para sa
200m individual medley, “silver medals” sa 200M at 100m breast stroke at “bronze medal”
sa 50m Breast Stroke. Kinilala naman bilang “bronze medalist” ng kaugnay na kumpetisyon
si Darla Bernadette R. Swing na nagwagi sa kategoryang 800m Free Style.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Bukod pa rito, nagpakita ng kagila-gilalas na potensyal ang nagkampeon na Futsal Girls (15-
under) ng Tanauan City sa tulong nina Coach Chulsu Kim at Coach Dante Muhallin na
matagumpay na pinataob ang kanilang mga nakatunggali.
Alay naman ng mga atletang Tanaueño ang kanilang panalo sa kani-kanilang pamilya lalo’t
higit sa minamahal nila na lungsod ng Tanauan. (LACV/CIO Tanauan) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph