Press Releases

You are visitor #

2048244
TodayToday843
This_WeekThis_Week2143
This_MonthThis_Month25009
All_DaysAll_Days2048244

Huwarang kawani ng pamahalaang lungsod, pinarangalan

CIO Tanauan/LACV (September 27, 2018)

huwaran

Si City Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor kasama sina City Vice Mayor Benedicto Corona at ang mga bumubuo ng
Sangguniang Panlungsod kasama ang mga kawani na nakapagsilbi sa loob ng 30, 35 at 40 taon gayundin ang mga
tinaguriang “model employee” ng pamahalaang lungsod. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Bilang pagtatapos ng isang buong buwang
selebrasyon ng ika-118 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service, pinarangalan
sa isinagawang “flag raising ceremony” ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni
City Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor, ang mga kawani na nakapagsilbi sa
siyudad sa loob ng 30, 35 at 40 taon gayundin ang mga “model employees” para sa
iba’t ibang kategorya noong Setyembre 24, 2018.
Bukod sa sertipiko ng pagkilala, tumanggap din ng kaukulang “cash incentives” ang
mga kinilalang empleyado. Alinsunod sa itinakda ng resolusyon patungkol sa
Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) na
nagpaparangal sa mga loyalty awardees ng lokal na pamahalaan , nakakuha ng
halagang Php 20, 000 para sa 30 taon na paninilbihan sina Ma. Victoria B. Bautista,
Julia P. De Luna at Raul S. Tapia; Php 25, 000 naman kina Damian M. Garces,
Apolonio Q. Maiquez, Miguel E. Natividad, Lorenza A. Panganiban, Zenaida D.
Panganiban at Virginia P. Pecho na nakapagsilbi ng 35 taon; at halagang Php
30,000 para kay Willy M. Molinyawe na nakapaglingkod ng 40 taon.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Para naman sa mga itinanghal na “model employees” ng Tanauan City para sa
taong ito na may tatlong kategorya, pinagkalooban ng tig-pitong libong piso at
sertipiko sina Domingo R. Austria para sa 2 nd level/ Supervisor category, James
Cornelio O. Lim para sa 1 st level/Rank & File category at Sonia R. Unico para sa Job
Order category.
Pinapurihan naman ni Cmdr. Allan Poe M. Carmona, MSNA, Field Office Director ng
Civil Service Commission- Batangas, panauhing tagapagsalita ng isinagawang
“culminating activity”, ang pamahalaang lungsod dahil sa pagkakabilang nito sa
iilang ahensya ng gobyerno na tumanggap ng Program to Institutionalize Meritocracy
and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) Bronze Award.
Binigyang-diin niya na ang pagbibigay ng ginawang pagbibigay karangalan sa mga
hinirang na empleyado ay bahagi lamang ng matagumpay na implementasyon ng
PRIME-HRM partikular sa aspeto ng Recognition and Awards.
Taos-pusong pagbati rin ang ipinaabot ni Mayor Villamor sa mga nabanggit na
kawani. Hamon niya sa lahat ng mga empleyado, “Nawa po, ang mga empleyadong
ito ay magsilbing inspirasyon sa atin upang mas pagbutihin pa natin ang atin pong
trabaho sa ating mga iba’t-ibang departamento”. Aniya pa, nawa’y laging isapuso at
isabuhay ng bawat isang kawani ang Panunumpa ng Lingkod Bayan na tuwinang
binibigkas tuwing may “flag ceremony”.
Kabilang naman sa mga dumalo at nakiisa sa aktibidad na ito sina City Vice Mayor
Benedicto Corona kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na sina
Kon. Eric Manglo, Kon. Jun Goguanco, Kon. Angel Atienza, Kon. Lim Tabing, Kon.
Joseph Castillo at SK Federation President John Kennedy Macalindong kasama sina
City Local Government Operations Officer (CLGOO) Quennie Malleon at Rotary
Club of Tanauan President Manny Lascano. (LACV/CIO Tanauan)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: attyjhoannacorona@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph