Press Releases

You are visitor #

1811419
TodayToday643
This_WeekThis_Week2259
This_MonthThis_Month20167
All_DaysAll_Days1811419

http://www.3solarbids.com/essay-editing-service-toronto/ essay editing service toronto Business One Stop Shop (BOSS) 2018 sa Tanauan City, nagsimula na

 


MTSB/CIO-Tanauan do your homework league of legends | January 5, 2018

Si Mayor Thony C. Halili nang bumisita at nagsagawa ng inspeksyon sa unang araw ng operasyon ng Business One Stop Shop (BOSS) sa lungsod noong Enero 3, 2018. deckblatt dissertation medizin (Photo Courtesy: Jun S. Mojares & Roderick P. Lanting| CIO Tanauan


get link LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Dinumog ng mga negosyanteng Tanaueño ang unang araw ng pagtanggap ng mga aplikasyon para sa new business registration at business renewals sa Business One Stop Shop (BOSS) na sinimulan sa lungsod noong Enero 3, 2018.

 

Ang pagpoproseso ng mga kaukulang business permit ay isinasagawa mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Ang mga opisina na kabilang sa BOSS ay ang City Planning and Development Office (CPDO), City Engineering Office (CEO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Health Office (CHO), Bureau of Fire at City Treasurer’s Office (CTO).

 

Ang BOSS na taunang isinasagawa ay naglalayong mapabilis ang pagpoproseso ng mga business permit na nakukuha na ng namumuhunang negosyante sa Tanauan City sa loob lamang ng isang oras.

 

Sa unang araw pa lamang nito, agad nang bumisita si Mayor Thony Halili, kinumusta ang mga kababayang negosyante, inusisa ang operasyon at nagpaalala na sa isinasagawang proseso ay mahigpit nitong ipinagbabawal ang anumang palakasan.

 

Pinaaalalahanan naman ang lahat ng mga kukuha ng business permit na magdala ng orihinal na sipi ng mga hinihinging dokumento para sa “validation” at “authentication” ng Business Permit Licensing and Investment Office (BPLIO). Kabilang sa mga dokumentong ito ang Barangay Clearance, Building/Occupancy Permit, Annual Inspection Clearance para sa mga magre-renew, Zoning Clearance, Environmental Compliance kung naaangkop sa klase ng negosyo, Sanitary Permit at Fire Safety Inspection Clearance.

 

Sa pinakahuling datos na nakalap mula sa BPLIO, ang kabuuang business permit na naiproseso noong taong 2017 hindi pa kasama ang buwan ng Disyembre ay umabot na sa 3,406 kumpara sa taong 2016 na nasa 2,998.

 Hanggang Enero 20, 2018 lamang ang pagpoproseso ng business permit na wala pang penalty sa lungsod.

Archive Videos

see url Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph