Press Releases

You are visitor #

1721624
TodayToday1213
This_WeekThis_Week7521
This_MonthThis_Month35182
All_DaysAll_Days1721624

Samahang “MOVE,” patuloy sa pag-arangkada sa Tanauan

 

MTSB/CIO-Tanauan | November 2, 2017

Ang mga lalaking kawani ng City Government of Tanauan na pinangungunahan ni City Administrator Atty. Junjun Trinidad (ikatlo mula kaliwa) at ang mga lalaking kapitan ng barangay na pormal na humarap kay City Mayor Thony Halili (ikaapat mula kaliwa) matapos magsipagtapos sa dinaluhang 2-days seminar na inilunsad ng CSWD, ang “Combating Gender-Based Violence, Criminalities and Insurgencies through Men’s Involvement.” Makikita rin sa larawan si Ms. Lorna Ortiz-Cabrera, RSW, CGDH-I/CSWD Officer. follow url (Photo Courtesy: Jun S. Mojares | CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng “18-day campain to end Violence Against Women (VAW),” mas lalo pang pinasigla ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang samahan ng mga kalalakihan na nagtataguyod at nagsusulong ng paglaban sa karahasan sa mga kababaihan.

Pormal na ipinakilala ng “Men Opposed to Violence against Women Everywhere” o MOVE kay Mayor Antonio C. Halili noong Oktubre 30, 2017 ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni City Administrator Atty. Herminigildo Trinidad, Jr.  at mga kapitan ng barangay mula sa 3rd at 4th batch ng mga kalalakihang nagsipagtapos sa isinagawang dalawang araw na seminar na ukol sa mga kaparaanan ng paglaban sa karahasan kontra mga kababaihan.

Kaisa ang Gender and Development (GAD) Office ng lungsod at ang MOVE sa pangunguna ni President Ptr. Manuel Medrana, inilunsad ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office ang “Combating Gender-Based Violence, Criminalities and Insurgencies through Men’s Involvement,” isang seminar na naglalayong paigtingin ang partisipasyon ng mga kalalakihan sa pagsugpo ng mga karahasang lumalaganap sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na kaalaman ukol sa mga umiiral na kaugnay na batas. 

Ang 2-days seminar na ito ay isinasagawa sa bawat pangkat o “batches” na binubuo ng iba’t ibang sektor ng kalalakihan sa lungsod. 

Dahil mga lalaki ang kalimitang itinuturong “perpetrator” o responsable sa mga naitatalang kaso ng karahasan sa mga kababaihan dito sa bansa, minabuting isagawa ang programang ito upang sa mismong grupo ng mga kalalakihan magsimula ang pagtatanggol sa mga babaeng dumaranas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan.

Ilan sa mga tinalakay sa seminar ang tungkol sa International Commitments and Universal Human Rights, Laws on Gender-Based Violence, Overview of Gender-Based Violence National Situationer, Usapang Lalaki, Male and Boys Involvement, Sharing of Good Practices (Supporter/Chapter), Organizing as MOVE/He for She Advocates, at Action Planning and Presentation of Plans. 

Kabilang din sa mga dumalo ng kaugnay na seminar ang mga kalalakihang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na taos-purong nagbigay ng kanilang suporta sa naturang programa.

Nauna na ring nakiisa sa naturang seminar ang mga miyembro ng Academe, mga barangay tanod, mga lalaking kawani at mga miyembro ng religious sectors sa lungsod.

 

 

 

Archive Videos

source link Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph