Announcement

Announcement

 

 

 

 

Emergency Hotline

 

 

 

Press Releases

Invitation to bid

Invitation to BID 
Invitation To BID

 
Search HERE


Invitation to pre-qualify and Bid

For the Tanauan City Public Market Redevelopment Project(TCPMRP)

Download File 1

Download File 2

We have 7 guests and no members online

You are visitor #

1598225
TodayToday327
This_WeekThis_Week3458
This_MonthThis_Month10125
All_DaysAll_Days1598225

Tanauan City, tumanggap ng Php 1.4M mula sa DA-RFU IVA para sa transport facility

Unang Larawan: Si Punong Lungsod Antonio C. Halili (gitna) at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina (R-L) Kon. Marcial Goguanco, Jr., Kon. Atty. Gileen Canobas- Manaig, Kon. Herman Trinidad, Kon. Angel Atienza, Kon. Ben Corona, Kon. Lim Tabing, Kon. Rizaldrin Magpantay at Kon. Joseph Castillo kasama si City Administrator Atty. Herminigildo Trinidad, Jr. habang ibinabahagi sa publiko ang tinanggap na tseke mula sa Department of Agriculture. Pangalawang Larawan: Si DA Sec. Manny Piñol (pang-apat mula sa kanan) habang iginagawad ang tsekeng nagkakahalaga ng Php 1.4M kay Punong Lungsod Antonio C. Halili (pangalawa mula sa kaliwa) na ipambibili ng refrigerated van bilang “transport facility” ng lungsod. Kasama din sa larawan sina DA RFU IVA Executive Director Arnel V. De Mesa (una mula sa kaliwa) at isang opisyal ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC). (photo courtesy: Roderick P. Lanting/CIO-Tanauan


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas --- Sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes, Hulyo 31, 2017, ibinahagi sa publiko ni Punong Lungsod Antonio C. Halili kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang itinurn-over na tseke ng Department of Agriculture-Regional Field Unit IVA na nagkakahalaga ng Php 1.4 M, para sa pagbili ng isang refrigerated van na magsisilbing transport facility ng lungsod.

Ang van na ito sa ilalim ng proyektong “Agri-Pinoy Trading Center-Transport Facility,” ang siyang maghahatid ng mga “agricultural commodities” ng Tanauan City sa mga pagdadalhang institusyon at mga pampublikong pamilihan alinsunod na rin sa isinasaad ng Resolution No. 2017-194 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod noong Hunyo 19, 2017.

Matatandaan na noong Hulyo 25, 2017 ay bumisita si DA Secretary Emmanuel F. Piñol sa lungsod upang igawad ang naturang tseke at isagawa ang programa nitong “Biyaheng Bukid” kung saan pinuntahan nito ang kasalukuyang isinasaayos na palengke, bagong bagsakan at ang ipinapagawang Triple A (AAA) slaughterhouse sa Barangay Sambat. 

Inaasahang malaking kapakinabangan din ang idudulot nito sa itinatayong slaughterhouse para naman sa transportasyon ng mga nakatakdang iprosesong produktong karne ng lungsod.

Ang bibilhing van ay pangangasiwaan ng City Veterinarian Office sa pangunguna ni Dr. Aries P. Garcia partikular na ang regular-checkup, repair at maintenance ng sasakyan.

 

 

Full Disclosure Policy

Refresh
Files in directory:

Press Releases

  • COMMUNITY MOBILIZATION PROJECT COMMUNITY MOBILIZATION PROJECT. Sa pagtutulungan ng Provincial Government of Batangas,  League of Municipal Mayors, Association of Barangay Captains, DILG-Batangas at Batangas Police Provincial Office, isinagawa ang paglulunsad ng Community Mobilization Project na...

    Read more...

  • MAYOR HALILI, BINIGYANG PARANGAL ANG 24 NA MIYEMBRO NG KAPULISAN SA TANAUAN   MTSB/CIO-Tanauan ǀ August 16, 2017 Si Punong Lungsod Antonio C. Halili habang iginagawad ang sertipiko ng pagkilala kay Psupt. Audie Lirio Madrideo, Chief of Police ng Tanauan City Police Station matapos pamunuan...

    Read more...

  • Traktora at mga kagamitan sa pagsasaka iginawad ni DA Sec. Piñol sa Tanauan City  CIO Tanauan/MTSB   July 28, 2017 (Kaliwa) Tinanggap ni Punong Lungsod Antonio C. Halili ang itinurn-over na susi ng “four-wheel drive tractor (45 hp)” nina DA Sec. Emmanuel F. Piñol at DA RFU-IV-A...

    Read more...

Careers @ LGU

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Tindalo Ave. Mt. View Subd. Brgy. Poblacion 3, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 778-1902

http://www.tanauancity.gov.ph