Press Releases

We have 101 guests and no members online

Announcement

Announcement

 

 

 

thesis mcmaster university Emergency Hotline

 

 

 

You are visitor #

1721628
TodayToday1217
This_WeekThis_Week7525
This_MonthThis_Month35186
All_DaysAll_Days1721628

Brigada Eskwela 2017, umarangkada sa Tanauan

 

Maria Teresa S. Buño ǀ May 18, 2017

 

Si Chief of Staff Casiano M. Saniano habang nagpapahayag ng mensahe sa ngalan ni City Mayor Antonio C. Halili. Makikita rin sa ibang larawan si Bb. Pilipinas 2nd runner-up Kristel N. Guelos habang pinangungunahan ang Tree Planting Activity at ang iba’t ibang grupo na nakiisa sa Fun Run at Zumba Fitness Dance.  (Photo courtesy: Roderick P. Lanting & Kristoffer Allan N. Carandang/CIO-Tanauan & DepEd Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kaalinsabay ng pambansang paglulunsad ng taunang “Brigada Eskwela,” kakaibang pakulo naman ang umarangkada sa lungsod na ito noong nakaraang Lunes, Mayo 15.

Sa pangunguna ng Department of Education Tanauan City Division (DepEd - Tanauan City), libo libong mga estudyante, mga guro, mga magulang, mga empleyado ng pamahalaang lungsod, at mga pribadong indibidwal ang lumahok sa taunang aktibidad na ito na isinagawa sa Balele National High School sa nasabing lungsod.

Nag-umpisa sa isang Zumba Session ang programa na sinundan ng isang “Fun Run” at “Tree Planting Activities” sa may lakeshore area ng Barangay Wawa. 

Panauhing pandangal at nanguna sa aktibidad si Bb. Pilipinas 2nd Runner-Up Kristel Nones Guelos, isang lehitimong Tanauena at produkto rin ng pampublikong paaralan ng lungsod.

Ayon sa kanya, buong puso ang kanyang pakikiisa sa programa at sa layuning mabigyan ng isang magandang paaralan ang mga bata sa pampublikong paaralan.  Idinagdag pa niya na isa sa kanyang adbokasiya ang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan at hikayatin ang mga ito na pagtuunan ng pansin at kahalagahan ang edukasyon.

Kabilang din sa mga dumalo sina City Vice Mayor Jhoanna C. Corona, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Chief of Staff Casiano M. Saniano bilang representative ni City Mayor Thony C. Halili, ilang Department Heads at mga opisyal ng DepEd – Tanauan City .#

 

Press Releases

  • 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL 2017 GAWAD PATNUGOT OUTSTANDING HIGH SCHOOL PRINCIPAL. Sa isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan noong Nobyembre 13, 2017, pinagkalooban ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jhoanna C....

    Read more...

  • Mga miyembro ng PWD sa Tanauan City, sumailalim sa Hilot Wellness Training   MTSB/CIO-Tanauan | November 16, 2017 Si Mayor Antonio C. Halili (ikatlo mula sa kanan, nakaupo) kasama sina May Teresita R. Fidelino, City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) Department Head,...

    Read more...

  • “Capital Formation” binigyang diin sa Tanauan City’s 11th Cooperative Month Celebration  MTSB/CIO-Tanauan | November 9, 2017   Si Dir. Salvador Valeroso, Regional Dir. ng Cooperative Development Authority Region IV-A (ikaapat mula kanan) kasama sina City Administrator Herminigildo...

    Read more...

Full Disclosure Policy

 

follow 2017

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

click 2016

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

4th Quarter

Click here for the full list

 
     

 

 

 

Careers @ LGU

Archive Videos

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

 

 

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Facebook

 


Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: cgt.tch@tanauancity.gov.ph

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph