Full Board Disclosure

Video's

PATALASTAS

 

Nais po naming ipabatid sa lahat na ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng Panlungsod na Tagapag-ugnay sa Pagpaplano at Pagpapaunlad ay muling magsasagawa ng malawakang SARBEY gamit ang Community-Based Monitoring System (CBMS) sa lahat ng barangay ngayong darating na ABRIL hanggang HULYO, 2014. Layunin po ng sarbey na ito ang kumalap ng datos na gagamitin sa pagpaplano at paglalapat ng angkop na proyekto at programa para sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod.

KAUGNAY PO NITO, MALUGOD PO NAMING HINIHINGI ANG INYONG BUONG SUPORTA AT KOOPERASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG MGA TAMANG DATOS SA MGA MAG-SASARBEY O “ENUMERATORS”.

 

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!